Ok lang na undrafted siya, nakita naman natin na kapag sa mga ganitong bagay full force tayong mga Pilipino at nagkakaisa ng suporta para sa kababayan nating si Kai. Sa ngayon, Gilas daw muna siya at hindi siya magpa-participate sa Summer League ng NBA na pwede ring maging daan para makapasok siya pero okay lang. Bata pa siya, may ilang taon pa siya para sa peak niya at sana masubaybayan nating lahat yun at ng mga scouters ng mga NBA teams.
Tama ka dyan ang mga pinoy supportado ang kapwa, kita naman natin ung nangyari kay Kai kahit hindi sya napili para ma-draft ngayong
season bata pa naman sya at madami pang pagkakataon basta tuloy tuloy lang sya at wag mawalan ng loob, dapat din yun manager/handler
nya eh gabayan sya sa pagpili nya ng mga susunod na lalaruan nya, dapat liban sa mas hype ng career nya dapat dun din sa team na
lalo syang mahahasa para lalo syang lumakas at magmatured.
Yun nga lang, medyo masamang balita, hindi rin nakuha sa Kai sa Summer league.
Kai Sotto not included in Heat's NBA Summer League lineup
Sana lang meron pang league na mapasukan na medyo maganda, sayang naman ang talent ni Kai kung sa PBA lang ang bagsak niya.