Two days nalang NBA preseason na. Pa lapag naman ng picks nyo sa 1st day ng preseason kung meron man.
Tsaka anong team sa tingin nyo ang may pinakamadaming panalo sa East Conference at West Conference ngayong season, at sino sa tingin nyo ang may pinaka malaking chance na mag champion this year?
Mga sagot ko sa tanong ko without any explanation: Celtics sa Sixers, sa West naman Nuggets. At ang sa tingin kong mag champion this year ay Sixers.
Mukhang mabigat na obligasyon yan para kay Embiid at kay PG wag lang sana silang magkakainjury ng mabigat para maisulong nila ung campaign nila para manalo naman ng isang ring, pero syempre dadaan pa rin sila sa butas ng karayom lalo na kumpleto pa rin ang core players ng defending champ na Boston, sa tingin ko mabigat pa rin talaga ung combination ni Brown at Tatum, pero syempre depende na rin sa itatakbo ng sistema ng bawat team, antabayanan na lang natin pag nagsimula na ulit ilang araw na lang pwede na ulit magsugal ng mahaba haba..
Oo malakas pa rin naman Celtics, sa katunayan favorite pa rin namam sila na ulit ang mag champion ngayon season mataas odds. Yung pick ko ay sa tingin ko lang naman na sixers ang mag champion. Tulad nga ng sabi ko injuries talaga nagpahina sa mga team tulad sa 76ers last year. Kung hindi lang na injured si Embiid baka maganda kinalabasan ng playoff run nila Last season. Ngayon kaya sa tingin ko mag champion ng Sixers dahil kay Paul George na sigurado akong makakatulong sa Sixers. Malaking factor talaga ang injuries para mag champion ang isang team.