Yung sa part ng Suns medyo tagilid sila sa Wolves, ang galing kasi ng ginagawang rotation ng Wolves lahat ng players nakakahawak ng bola at makikita mo na aggressive sila sa pag atake nandun ung kumpyansa at ang maganda sa kanila hindi sila agad agad sumusuko sa offensive rebounds may pagkakataon kanina na meron apat na tira sila at kanila pa rin ung rebounds, tapos yung productions offensively very balance partida pa yung limited minutes ni KAT, hindi pa talaga sya focus sa opensa nila.
Pagdating naman sa Bucks medyo challenging kasi wala ung main man nila, sa palagay ko naman pagbalik ni Giannis medyo maganda ganda ang laban yung focus ng opensa nila hindi na mag cecenter kay Dame at malamang sa malamang medyo mapipigilan na rin ung grabeng productions ni Siakam, pero syempre malalaman natin yan sa pagbalik pa nya kung ano yung magiging impact.