Update muna tayo tungkol sa trade request ni Kevin Durant mga kabayan:
May nabasa akong bagong article na kaka-release palang mga isang oras ang nakakaraan, base sa nabasa ko ay pinapatawag daw si Durant ng management dahil gusto sya kausapin ng may-ari ng Brooklyn Nets ng direkta na si Joe Tsai.
Ang nasa-isip ko ay parang kakausapin sya na mag stay muna sa Brooklyn Nets ng isa pang season dahil wala pa talaga silang makuha na wastong package para maging kapalitan niya at maging mukha ng franchise at para narin ma try ang kanilang bagong trio na binubuo ni Durant, Irving at Simmons.
Ngayon, alam kung marami pa silang dapat ayusin para maging effective ang trio lalo na si Ben Simmons pero di rin ito matutupad kung mawawala si Durant sa roster. Di ko rin naman nakikita na hindi aayusin ni Durant ang kanyang laro ngayong season dahil mas lalong mapapasama ang imahe nya kung gagawin nya ito at wala nang ibang team ang magkakagustong kumuha sa kanya.
Baka nga ganun ang mangyari or baka din sa kabilang banda eh maapayag na rin ni KD yung mismong may ari na babaan na yung hinihingi nila para ma trade sya, alam naman kasi natin na sobrang laki ng kapalit na hinihingi ng Nets para ma-trade si Durant which talagang karapatan naman nila yun kasi nga nag invest sila ng malaki para sa kanya.
Pwede rin pero para din kasing malabong mangyari na ang mismong team ang mag-aadjust para lang ma trade si Durant lalo na at malaki-laking pera din ang kanilang pinakawalan ng Nets para sa extension ni Durant. Pero tingnan natin kung anong mangyayari pagkatapos ng kanilang masinsinang pag-uusap.
Ang weird lang eh bakit ngayon pa sya kakausapin? hindi ba sya nakausap nung nag request na sya ng trade? Parang late naman yata ang owner ng Nets, sana yung umpisa pa at may ugong ugong na.
Wala naman din yata siyang magagawa, desidido na si Durant, sure baka maglaro sa simula ng season yan pero kung gusto nya talagang umalis eh hindi na mapipigilan at makikita naman siguro sa laro ni Durant. Superstar si Durant kahit pangit laro nyan tyak may kukuha parin na tin. Parang si Harden, panget laro sa kanila, pero nung lumipat sa Sixers medyo nakapag contribute.
Kaya nga eh, nagtataka din ako kung bakit ngayon pa na isang buwan na rin yata ang nakalipas mula nung nag request si Durant na ma-trade sya. Pero siguro ay nag o-obserba lang muna ang may-ari ng Nets kung ano ang mangyayari ilang linggo pagkatapos ng trade request nya.
Sa ngayon ay nakikita ko na mananatili muna sya sa Nets lalo na't papalapit na ang kanilang isolated practice para makapag prepare sa paparating na season.