Wala talagang papayag kasi mukhang impossible ang gustong mangyari ng Nets para ma trade lang si KD. Mukhang wala sigurong ma trade sa kanilang dalawa, at next season, makikita pa rin natin sila na maglalaro. Basta healthy lang silang dalawa, malayo mararating nila, saka andiyan naman si Simmons, tiyak pasok na sila sa playoffs at may chance mag champion.
kung sa capabilities nila eh malakas pa rin naman sila talaga kung lahat eh healhty kaya lang kung nagdedemand na sila ng trade baka yung drive nila para maglaro sa Nets eh wala na yung determinasyong manalo or yung pagiging competitive nila eh mawala na talaga, sayang kasi nandun na si Seth tapos maglalaro na rin si Simmon plus si Harris mukhang healhty na ulit.
Malalaman na lang natin kung anong kapalaran ng Nets kung may trade na mangyayari or baka isopresa tayo nila KD at Kyrie at biglang buhatin pabulusok ung buong koponan nila.
Sa ngayon parang walang mangyayaring trade na, mapipilitan ang dalawa na bumalik muna sa Nets this season at malay natin may click sila sa ngayon.
Wala na naman si Harden eh, so kung solid ang season ni Kyrie baka malamang pumasok ulit sila sa playoff at maging solid na contender sa East na naman.
O baka katulad ng sinabi mo, may sorpresa na mangyayari baka magsimula ang season at may kumagat na team kina KD at Irving.
Kaya nga kabayan, abang abang na lang tayo kung meron kakagat or baka mapilitan silang kainin yung pride nila at magsimula na silang magtrabaho para sa team na nag invest nman ng maayos sa kanila, yun lang ang pangit sa mga stars ngayon hindi ko naman nilalahat pero meron talagang pera pera lang at wala ng pakialam kung anoman mangyari sa team na nilalaruan nila.
Ang mahalaga eh nakuha yung bayad at may inaasahang yaman habang nasa liga pa.