Kakaibang demand yung ginawa ni Durant tapos na published pa pero siguro talagang gusto sya maglagay ng pressure sa Nets management kaya meron syang ganung drama. Mas maganda na rin siguro yung sinabi ng team owner na full support nya yung front office kasi si Durant wala naman commitment kakapirma lang ng extension tapos biglang demand ng trade.
Siguro mas pinili ng team owner na bigyan ng chance si Nash para idevelop yung matitirang players para sa kanyang squad sa darating na season which hindi talaga natin alam kung ano ang magiging kapalaran ng Nets sa ongoing drama ni Durant.
Oo nga at nagmistulang LeBron James wanna be na rin tong si Durant dahil sa ginawa niyang demand sa harap pa mismo ni Joe Tsai haha, hindi man lang sya nahiya sa ginawa nya at ang tanging nasa isip nya ay kung anong paraan para ma i-trade sya. Di pa naman talaga sure kung mawawala na si Durant sa line up ng Brooklyn Nets kasi wala talagang team na kayang ma meet ang demand ng Nets.