Galing mismo to sa support ng Binance. Thru chat lang kasi although last year pa yun so di natin alam anong updates. Balita ko pinag-usapan na raw sa senado.
Bale bigyan pa raw tayo ni Binance ng access sa mga withdrawal features. So most likely bawal na talaga magdeposit, trade, etc. At ibig sabihin baka naka VPN na tayo that time which is officially bawal sa rules ng Binance pero pwede maging exception sa mga Pinoy na kailangan magwithdraw ng funds.
Pero meron rin akong nabasa na comment last year coming from a Binance user na lawyer. Sabi niya ay di raw talaga pwede ma-ban ng Pinas si Binance. At ang tanging magawa lang ni Pinas ay to block the access of Binance. Which means pwede gamitin thru VPN ang problema ay bawal sa rules ni Binance to use VPN. So medyo risky na rin talaga.
Hindi lang mawala sa akin na dahil sa sinabi mong yan, maaaring wala na siguro silang balak na iregister ang Binance sa Pilipinas dahil magbibigay na sila agad ng chance para magwithdraw ang users nila.