Noted sa info mo kabayan kasi actually ako di ako aware na mayroong silang fees madalas kasi may laman yung sakin iniiwan ko lang para incase man turing inactive or atleast may extra money ako if wala nang laman ung other funds ko.
Same tayo kabayan. Di ako aware dahil matagal ko nang di ginagamit ang coins. Di ko din alam na applicable sa mga ganyang platform ang dormancy and dormancy fees. Kala ko sa banko lang yun. Nalaman ko na lang nung magsearch ako about sa concern ng kabayan nating nag iwan ng funds nila sa coins.
Magkano kaya ang icha-charge ni coins sa kanila after nilang maipasa yung kyc nila and proof of acct. ownership? Kasi dun sa article ni bitpinas, ang sabi is sa peso wallet sila magde-deduct ng fees until magzero or until such time magkaron ulit ng transaction yung user para mareactivate yung acct, whichever comes first.
Pero kapag nasa crypto ang funds, walang magaganap na deductions. Magsend din daw sila ng email sa user para magremind na malapit na ma-declare na inactive yung acct and magsisimula na silang mag deduct ng inactivity fee. To remain active, kailangan daw is may transaction ang account per year.
Ibig sabihin ba nun, kung ilang years yung inactive na account ni kabayan multiplied by yung monthly fee, yun yung halagang babayaran ni kabayan and wife nya after nila ma-prove na kanila yung account?
About sa ibang digital wallet -- GCash and Maya, buti na lang pala nagsearch ako dahil pag nagkataon, may dormancy akong babayaran sa Maya dahil halos di ko naman ginagamit pero nag iwan ako ng funds dun sa crypto and savings nila. Balak ko iwanan lang eh para pag mataas na, tska na ko mag cash out. Nagtesting lang ako dun sa crypto ng worth 1k. Kumita naman na ng 1,800 pero pinababayaan ko lang dahil may nabasa ako sa ibang kabayan natin na bongga yung spread dun kaya bongga din mawawala sa profit mo.
Kung naka-prepaid ka, coins na lang siguro gamitin mo pang load para kahit papano active. Sayang din naman kasi yung iniwan mong funds dun sa kada 15 pesos per month na inactivity fee.