Wala na kabayan, sobrang tagal na nilang walang active na representative dito at sa tingin ko ay hindi na nila iko-consider pang maging active dito dahil mayroon naman silang support channel at mabilis din naman silang magrespond mapa-chat man o email tapos may contact numbers din sila.
Yun lang, sayang din kasi yung na established nila na PR dito sa forum, lalo nung early days at alam naman natin coins.ph pa dati talaga ang gamit na gamit ng mga tao pagdating sa cryptocurrency sa Pilipinas, lalo na mga OG sa crypto na taga Pilipinas.
Magandang tulong din sana ito sa kanila para sa PR nila, dala na din ng advertisement, kasi for sure lahat dito alam ang coins.ph at gumagamit madalas sa platform nila.
Kaya nga, mas madali ang conversation dito kahit tignan lang nila once in a while kung may mga concern.
Sa buy and sell feature ka ba nila nagbebenta? mas malayo talaga ang rates kung doon mo ibebenta kung mabilisang benta ang gagawin mo. Yung presyo sa market nila sa trading platform nila, mas okay ang rate at puwede mong mabilisang ibenta din basta sa pinakamataas na buyer. Yun nga lang hindi din macontrol yun kung minsan may pagkababa, pero overall tama ka diyan yung convenience ang parang binabayaran natin sa kanila.
Nung hindi pa reflected ang assets sa trading platform nila, buy and sell feature yung ginagamit ko kapag andito na sa Coins.ph yung mga coins ko pero bihira lang. Pero simula noong reflected na yung mga assets sa trading platform, dun na ako nagbebenta. Medyo technical nga lang at hindi lahat ay komportable sa ganung set-up pero sa akin okay naman since may mga experiencse na ako mag trade sa ibat ibat exchangers basta spot trading lang.
Naalala ko yan parang sa coins pro ata yang tinutukoy mo. Pero ang maganda ngayon, sa trading platform at mismong wallet nila ay reflected na parehas kaya mas convenient. Doon na din ako nagbebenta dahil mas hamak na mataas ang pricing kumpara sa buy and sell nila na automatic feature.