Recently kasi ay naopen ng asawa ko yung coins.ph nya tapos may naiwan palang ETH na balance na ngayon ay malaking halaga na. Matagal ng hindi active yung coins.ph account nya. Nakakagulat lang na naglolock pala sila ng account na may balance kapag hindi na ginagamit.
Planning to go on theiroffice at Ortigas. Asking lang kung macla2im ba same day yung funds para hindi sayang ang drive. Ito talaga ang hirap kapag nagiiwan ng funds sa custodial wallet.
Posible siguro noong bear market pa yan na naiwan diyan tapos naging dormant yang account na yan tapos tinry iwithdraw ng asawa mo tapos nadetect ni coins.ph na may sudden transaction na requested mula sa long time account na walang activities. Kung sinabi naman nila na ibibigay ang fund at need mo ng personal appearance ay kapag pupunta ka, dalhin mo na lahat ng necessary documents at IDs para hindi ka na magpabalik balik pa just in case lang naman.
Update on this. Nakapag claim na kami ng stuck funds namin. Hindi naman ganun kalaki pero sapat na dn naman. Hehe. Bali nag enhance verification nalang kami gamit ang BIR certificate of registration namin sa business as proof of income at iba pang verification gamit ang ID.
Mas ok na din itong verification since naka hassle magtravel sa Ortigas dahil walang kasiguraduhan kung makukuha na agad yung funds or babalikan pa.
Moral ng story ay huwag na huwag magiwan ng funds sa mga ganitong wallet kahit na maliit na amount lang dahil may chance na tumaas ang value in the future tapos hindi mo magagamit agad dahil naka freeze ang account mo due sa inactivity.
meaning pag holder ka eh lage ka na mapeperwisyo dahil aabalahin ka nila when you need your funds.
lalo na ngayong mawawala na ang binance , tiyak madami nnmang makikitang problema ang mga users.