Pages:
Author

Topic: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread - page 13. (Read 5858 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
It looks like there will be a change in leadership sa DOH.

Senators seek Duque's resignation for 'failure of leadership' amid COVID-19 crisis

They cited the following reasons:
  • Failure of Leadership
  • Negligence
  • Lack of Foresight
  • Inefficiency

Though I think nag-resign na dapat siya nung pumutok ang Dengvaxia, I'm not sure if this is the right time for this move. I would have preferred na after na ng crisis saka panagutin ang lahat ng may pagkukulang kasi baka maapektuhan lalo ang implementation ng policies to fight COVID-19 but these lawmakers probably have seen enough.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
Guys heads up lang sa mga hindi pa po nakakaalam(like me) and be informed na may bagong sintomas na nadidiskubre and mga doctor/scientist/researcher sa mga Covid-19 patients sa ibang bands. maliban sa mga alam na natin na sintomas Covid-19 gaya ng fever,dry cough,runny nose, shortness of breath etc.. ang sore eyes/pink eye(quoted below) at sudden confussion/biglang paglito(quoted below) ay isa rin sa mga maaring sintomas ng Covid-19. sa ngayon may kinokonsidera ng mga doctor ang red patches or red spots sa balat na bagong sintomas ng Covid-19 since napapansin nila ito sa maraming pasyente ng Covid-19(related articles below).

e
*snip*

Is this confirmed already? Couldn't find articles on more reputable sources. Puros small blogs at YouTube videos lang nahahanap ko at the moment.

binalita nato kahapon sa GMA. di ko sure Kung napanood mo na pero here's a video from GMA https://www.youtube.com/watch?v=JhSda-KOo5Y
copper member
Activity: 658
Merit: 402
photo not mine

"Chinese medical experts find Philippines at risk of inability to cut COVID-19 source" -philstar

Isang grupo ng Chinese medical experts ang pumunta sa Pilipinas para suriin ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Bumisita sila sa iilang mga hospital sa  Pilipinas, at ayon sa head nila ay mukhang mahihirapan tayong puksain ang nasabing virus. Sinuggest nila na mainam magtayo ng "Fangcang" hospital ang bansa. Ito ang hospital na itinayo sa China intended para sa mga COVID-19 patients. Sa paraang ito, mai-isolate ang mga patients na positive sa virus. Dahil sa kakulangan ng lugar at kagamitan, halos ang ibang mga mild cases ay nananatili lamang sa kanilang bahay. Mas mapapadami ang recovery rate kung natitignan dila nang maayos kapag nasa hospital at maiwasan na maging severe ito.

Code:
https://www.philstar.com/headlines/2020/04/15/2007486/chinese-medical-experts-find-philippines-risk-inability-cut-covid-19-source

Mainam nga ang ganitong paraan para mas nababantayan ang mga pasyente, ngunit kung iisipin ay hindi kakayanin ng ating gobyerno ang ganitong suhistyon. Ang pondo natin ay kulang na para iprovide ang mga pangangailangan ng lahat, pano pa ang pagpapatayo ng sariling hospital para sa mga COVID-19 patients. Ang China ay mayamang bansa kaya madali sa kanila na maisagawa ito, pero sa bansang katulad natin na umuunlad pa lang, ay mukhang mahirap. Kung hindi talaga mahahanapan ng solusyon at plano ang problemang ito, baka patuloy na dumami ang cases sa bansa.
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
Great news everyone. This time hindi na ito fake news but the real deal. Kakarinig ko lang din sa breaking news ng ABSCBN.


April 15, 2020 – Low-income households who are consuming less than 50 kilowatts per hour a month will be exempted from paying their electric bills for the period during the Luzon-wide enhanced community quarantine, a senior administration official said on Wednesday.

Cabinet Secretary Karlo Nograles said about 3 million poor Filipinos living outside the capital will benefit from a program called “Pantawid Liwanag”, which offers help to so-called “lifeline consumers”.

“Sa mga kababayan nating komukonsumo ng mas mababa sa 50 kilowatt per hour o yung mga tinatawag na “lifeline consumers” ng mga electric cooperative dito sa Luzon, maging sa Visayas at Mindanao – maliban sa isang buwang grace period sa pagbabayad ng kuryente – libre na po ang inyong konsumo sa loob ng March to April billing period. Target na tulungan ng Pantawid Liwanag ang tatlong milyong  mahihirap na consumer ng mga electric cooperative.,” he said in a virtual press briefing.

Nograles also assured Luzon residents that there is enough power supply, about 4,000 MW, for them during the enhanced community quarantine period. The current demand throughout Luzon area is about 7,323 MW during the hot and dry months of April and May.

“This means we currently have an excess capacity of 4,742 MW. Lubos din ang suplay natin ng kuryente dito po sa Luzon,” Nograles said.

In terms of water supply in Metro Manila, Nograles said the region’s almost 13 million residents should not fret over water shortage this summer.

The National Water Resources Board reported that it alloted the full water allocation of 46 cubic meters per second to water services firm Metropolitan Waterworks and Sewerage System from the Angat Reservoir until the last day of the enhanced community quarantine.

“Makakaasa po tayo na tuloy-tuloy po ang daloy ng tubig dito po sa [National Capital Region] sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine o ECQ,” Nograles said. (Roy Narra/MM)
Im not so sure kung lahat ba ay makakaavail nito hindi me masyado familiar sa mga watts or yung typical na konsumo.

Source:

https://news.tv5.com.ph/breaking/read/free-electricity-government-exempts-poor-families-from-paying-utilities
legendary
Activity: 2562
Merit: 1177
Telegram: @julerz12
-Snip-
Kagaya nga ng aking nabanggit hindi lahat ng kapwa nating Pilipino ay natutuwa sa Enhanced Community Quarantine
Sorry pero why would you think na mayroon tayong mga kababaya na natutuwa sa nangyayaring ECQ? Just because someone is posting something fancy and funny on their socmed profiles doesn't mean nag-eenjoy mga yan with the current situation we are all in. Each and every one of us has our own way of coping with this problem; it just happens na being positive is their way of doing it. Besides, even the DOH and other government agencies suggests all Filipinos to be pro-active while being in ECQ. Mag-tiktok, mag tanim or gardening, etc. Being stuck in your own house isn't fun especially in the long run. It could lead to psychological problems.

As per sa isyu ng pagkadismaya ng ibang kababayan natin, like I said, walang kahit na sino ang natutuwa sa extended ECQ, not even the President himself, not the Government, not even the frontliners. The longer this drags on, the more problems we Filipinos will be facing. We need everyone's cooperation para ang mga instances na katulad nyang sa San Pablo City will not happen anywhere else.

Sources:
'COVID dance challenge': DOH brings battle vs coronavirus to TikTok
Mental health and psychosocial considerations during theCOVID-19 outbreak
DA’s “Plant, Plant, Plant Program” to benefit all farmers, fishers, consumers nationwide
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
*snip*

Is this confirmed already? Couldn't find articles on more reputable sources. Puros small blogs at YouTube videos lang nahahanap ko at the moment.
member
Activity: 1120
Merit: 68
Simula ng Maideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon hanggang April 30, marami ang nadismaya at na bahala sa pag anunsiyo ng presidente dahil karamihan sa mga kapwa Pilipino natin ay nahihirapan kumuha at humanap ng kanilang pagkakakitaan nila habang mayroong lockdown upang may mapakain sila sa kanilang mga pamilya araw-araw at ang ibinibigay na donasyon sa mga bawat barangay ay hindi rin sapat sa loob ng isang buwan.

Quote


Isang Padre de Pamilya pumatay ng kapitan dahil di umano'y hindi naisali sa listahan ng mga nabigyan ng 5-8k Amelioration.

Pinatay ang kapitan na si Chairman Larry Calderon Rosales ng Brgy. Sta. Ana San Pablo City at ang suspect ay si Pablito Uy Hernandez, 45 taong gulang at may asawa sa kadahilanang hindi nabigyan ng 5-8k Amelioration ang suspect kaya nagawa niya ang karumal-dumal na krimen.

Ayon sa imbestigasyon nag-uusap si chairman at ang suspect sa labas ng Brgy. Hall ng biglang di - umano'y naglabas ito ng itak ang supect sa kanyang dalang bag at walang habas na tinaga si chairman sa leeg at ulo dahilan para mamatay ang chairman. Agad naman rumisponde ang mga police at nahuli ang suspect.


Kagaya nga ng aking nabanggit hindi lahat ng kapwa nating Pilipino ay natutuwa sa Enhanced Community Quarantine dahil halos lahat ng mga pilipino ngayon ay walang pinagkakakitaan at walang trabaho. Nakakalungkot man isipin na sa sobrang problemado ng ibang tao ay nagagawa na nilang magwala sa publiko at makapatay ng ibang tao dahil sa simpleng hindi sila naisali sa listahan ng mga nabigyan ng 5-8k.  Kahit ang ating gobyerno ay walang maayos na plano para masolusyonan at maisalba ang iba sa pagkagutom dahil unang-una hindi sapat ang kanilang ibinibigay sa ibang tao dahil ang iba ay may malaking bilang sa kanilang pamilya at pangalawa hindi lahat ay nabibigyan ng donasyon tulad nalang sa nangyaring insidente sa aking discussion.



Source:
Code:
https://www.pinaycares.com/2020/04/look-isang-lalaki-na-hindi-umanoy.html
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
I think ECQ is the best prevention that we could have until the vaccine for it comes onto the market. The problem isn't really on the implementation rather it's on the people not abiding on the rules been set by the government. Yung virus hindi yan gumagalaw not literally but rather it's the person who has been infected by it kaya kung marami parin talaga yung mga pasaway, eh talagang the curve will not be flatten.

Quote
"Based on my optimistic forecast, if the interventions such as the enhanced community quarantine aren't that effective, the peak might happen mid-April, with around 2,500 active cases in Metro Manila," Rabajante said.

The cumulative number of infected cases might rise to between 6,000 and 7,000 in that same period.



Experts from the Philippines and the World Health Organization estimate the novel coronavirus cases in the country could peak to 75,000 in the next 3 months or by June if not properly contained
https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/nation/255060-math-model-coronavirus-cases-metro-manila-could-peak-mid-april-not-contained

So far the stats here are partially correct, this article was published way back March 18, 2020.



Edit: This isn't mandatory but I think this will really help the government's response to the crisis. You may answer the survey on the link below.
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfF9Y4cpn06MsCNfngGQESPYcAQxIUF50n-zPrRyUY0ZC217g/formResponse
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Patuloy pa rin na tumataas ang cases ng COVID-19 sa bansa kahit nasa ilalim na tayo ngayon ng enhanced community quarantine. As I'm writing this post, we now have nearly 5,000 positive cases. According to DOH, this problem may last until January, 2021 kung walang gagawing intervention.

Quote
"Ang ating mga estimation galing po 'yan sa ating mga scientist, sa mga mathematician. Nagkaroon po tayo ng tatlong modelling estimates na ginawa kung saan ang timeline ranged from hanggang third quarter of the year and maybe worst case scenario base sa kanilang pag-aaral ay next year po ng January. But these are all estimations," Vergeire said in a virtual press briefing.

Wherein she said na kung hindi kaagad napatupad ang ECQ, ay maaaring nasa mas nalang sitwasyon pa tayo ngayon. Katulad ng ibang bansa kung saan late sila nagpatupad ng lockdown. Since wala pang vaccine para dito, Philippines is using non-pharmaceutical intervention tulad ng social distancing, and hand washing to prevent COVID-19. Ayon pa dito, maaaring umabot ng hanggang 6-18 months bago makadevelop ng vaccine at madistribute ito sa public.

At, kung mas tatagal pa yung quarantine dito sa bansa natin tila hindi na natin mawawari kung ano na mangyayari sa ekonomiya ng bansa. Hindi sapat ang ECQ para mapigilan ang pag kalat ng virus. Mayroon nga tayong ECQ, pero may mga makukulit pa rin na labas ng labas, hindi talaga matitigil ito. Kailangan talaga na makahanap ng mabisang solusyon tulad ng vaccine para magamot at mapigilan ang pag dami nito.

Source:
Code:
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/733740/philippine-covid-19-problem-may-last-until-jan-2021-if-no-intervention-will-be-done-doh/story/
member
Activity: 1120
Merit: 68
Quote
Ang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas ay umakyat na sa 4,648 nitong Linggo, Abril 12.

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), may 220 na bagong mga kaso, mula 4,428 noong Sabado, Abril 11.

Ang mga pagkamatay dahil sa COVID-19 ay umakyat din sa 297, tumataas ng 50 mula 247 sa mga nakaraang araw. Ito ang pinakamataas na bilang ng pagkamatay kada isang araw na naiulat ngayon.

Samantala, 40 pang mga pasyente ang gumaling mula sa virus, na mayroong bilang na 197 mga pasyenteng gumaling mula sa virus. Ito ang pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa ngayon.

Ang buong Luzon ay nananatiling naka-lockdown upang mapahinto o mapagilan ang pagkalat ng virus, matapos pahabain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  "enhanced community quarantine" sa rehiyon hanggang Abril 30.

Tinatantya ng mga Health Expert na ang bilang ng mga kaso sa bansa ay maaaring umabot kahit saan sa pagitan ng 26,000 at 75,000. (BASAHIN: Ex-DOH chief: Ang aktwal na bilang ng mga kaso ng virus ay maaaring umabot sa 75,000 sa 2 linggo).

Source:


Code:
https://www.rappler.com/nation/257714-coronavirus-cases-philippines-april-12-2020



Sa tingin ko, ang pagkahaba o ang pagka-extend ng enhanced community quarantine ay hindi pabor sa mga mahihirap talaga. Maraming mga taong namomoblema ngayon kung saan sila kukuha ng kanilang makakain sa mga susunod na araw dahil pansamantalang ipinatigil ang mga trabaho at hindi din sapat ang mga ibinibigay na pagkain galing sa kanilang kanya-kanyang mga barangay, kaya ang mga ibang tao ay napipilitang maging gahaman upang maraming makuhang pagkain galing sa barangay. Kaya kung sakaling magpatuloy ang pagdami ng virus sa buong mundo hindi lang sa sakit mamamatay ang tao kundi pati na rin sa gutom. Kailangan talaga natin magtulungan upang hindi masayang ang pagod ng mga frontliners upang mapabuti ang ating mga kalusugan at ang ating bansa.
hero member
Activity: 1904
Merit: 541
Tila nakakabahala nga ang ibang mga balita na lumalabas sa COVID-19 na ito.
Marami ng namamatay at nasa average tayo ng 20 per day for a week na pero totoo nga ba ang umiikot sa social media ngayon mula kay Sir Arnold Clavio?
Na tila inililihim na ang tunay na dami ng namamtay sa bansa ngayon?

Code:
https://www.facebook.com/search/top/?q=arnold%20clavio&epa=SEARCH_BOX
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
@mk4, OP need updating. The new website for tracking COVID-19 cases in the Philippines is now
Code:
https://www.doh.gov.ph/covid19tracker

Interesting data as of April 11, 2020.

Total tests done: 38,640
Unique individuals tested: 33,814
No. of positive cases: 4,913
No. of negative cases: 28,870

I'm still confused why the positive cases tested (4,913) differs from total confirmed (4,648) as reported. I'm not sure if it means the other labs who made their tests are not yet certified by RITM/DOH.






I also read that they will no longer use PUI and PUM to classify COVID-19 patients but will use Suspect, Probable, Confirmed instead.  According to them, the change was done to have uniform reporting of cases.

  • Suspect - those who have mild, severe, or critical symptoms but have not undergone testing yet.

    Quote
    A suspect case has influenza-like illness such as 38 degrees Celsius body temperature, has cough or sore throat, has difficulty in breathing, and experienced sudden lung problems from undetermined cause.

    A suspect case also has travel history to a place or country with local transmission of COVID-19 within 14 days before the symptoms have shown and has close contact with a confirmed or probable COVID-19 individual.

    Suspect cases can be those who are 60 years old and above, have heart illnesses, delicate pregnancy, and health workers.
  • Probable - those have mild, severe, or critical symptoms that have undergone testing but the results are not yet certain or the test was conducted in an unofficial testing laboratory.
  • Confirmed - those who tested positive.

*source
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
That's incident in Tacloban is different because the people were not looting for food. Ninanakaw nila lahat ng kanilang nakikita at sa tingin nila mapapakinabangan but scary as hell din ang tagpong yon. Resulta kasi yon sa bagal ng gobyerno sa pag-control sa isang lugar.
They were obviously also looting for food.

https://www.reuters.com/article/us-philippines-typhoon/desperate-philippine-typhoon-survivors-loot-dig-up-water-pipes-idUSBRE9A603Q20131113
https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/334750/looting-reported-in-tacloban-in-aftermath-of-yolanda/story/

Probably the biggest difference sa pangyayari sa naganap between doon sa Tacloban at sa possibility ngayon is hindi kasi biglaan 'yong pagkawala unlike noon na all of a sudden 'yong pagkaubos and take into consideration pa 'yong mabagal na pagpapasok nung tulong. Talagang mawawala sa tamang pag-iisip 'yong mga victims kesyo need nila makuha ito, makakain, and maka-survive above all else. In comparison naman sa possible mangyari ngayon na dahan dahan lang 'yong approach papunta doon sa circumstance tulad noon. What's worse is that mas wide 'yong area ng kaguluhan kung mangyari man, pero I hope not (dami ko pa ambitions yet to obtain).

Bali 'yong statement ko na mention here:
Dito sa amin, ECQ din pero hindi ko pa naman nakikita ang mga tao na nagrereklamo dahil wala ng makain. Kung lahat ng sektor kung magtutulungan at hindi lang iasa lahat sa gobyerno, i think mas madali nating ma-contain itong virus na ito.
Yes, so far syempre kokonti palang talaga ang magrereklamo since may resources pa. The problem arises when kokonti nalang ang natirang resources. April 11 palang, April 30 pa ang end ng ECQ; and that's assuming na hindi pa ma-extend ulit. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 19 days knowing na anglaki pa man din ng population ng mahihirap.
Wala pa sa kalagitnaan 'yong ECQ for this month pero may mangilanngilan na nagrereklamo paano pa kung totally out of stock na, or kung meron man baka maging exclusive pa 'yon sa mga privilege corrupt, and feeling entitled na gobyerno natin na hindi rin malabong mangyari parang katulad lang nung ginawa nila sa testing kits na mayroon lang tayo noon.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
~
Sa budget na yan, hindi ba included yung PhilHealth diyan? Definitely, Malaki ang mababawas sa 172.37 billion and di natin sure kung nag-eexist pa yung pera na yan. The cut in the budget has a huge impact, makakapagprovide sana tayo ng mas maraming equipments for testing, additional quarantine rooms, medical supplies and such that will help to prevent the increasing amount of deaths here. Okay ng dumami ang cases, it means the government is tracing all of those PUI and PUM para hindi na mag-spread pa yung novel coronavirus, huwag lang dumami ang death cases sa ating bansa.
Here's a simple breakdown of the 2019 and 2020 approved budget for our healthcare:

2019's Php 165.92 billion approved budget (source):
  • DOH - 98.57 billion
  • Philhealth - 67.35 billion

2020's Php 172.37 billion approved budget:
  • DOH - 101.02 billion
  • Philhealth - 71.35 billion
As you can see, there was no budget cut in the total funds (both for DOH and Philhealth). There changes with the allocation of the funds within our healthcare sector but I don't think there's a need to discuss that in detail.
I don't think na pakikialaman yan besides there are also people that has different kind of illnesses aside from COVID-19 na mangangailangan ng budget na yan I think they need to have a plan what other branches ng government ang pwedeng i-cut ang budget.

<....>
Hoping we will not be on that situation and bless those who fight this pandemic and always keep them strong. This is our fight as well.



Just seen this on my news feed and this health professional want to talk to the President about the possible antiviral injection. Click the link of the video below.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=585162815421023&id=323575494913091
full member
Activity: 821
Merit: 101
I was looking for news about COVID-19 kaninang umaga at nabasa ko sa isang balita na ang virus ay kayang umabot hanggang 13 feet mag mula sa infected patient. Ang ipinapatupad natin ngayon na social distancing ay nasusukat lamang sa 2 meters, which is twice ng distancing guidelines natin ang kayang maabot ng virus.

Although magmula sa distance na ito, hindi naman daw infectious ang small quantities ng droplets mula sa infected person, mahirap pa rin makasiguro. Mas prone na dumikit ang virus sa mga bagay na madalas hinahawakan ng tak tulad ng computer mouse, trashcan, doorknob and more.

Source:
Code:
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/733563/coronavirus-found-in-air-samples-up-to-13-feet-from-patients/story/


Isa pang kumakalat ngayon sa social media, ang pag send ng link nasinasabing may 2 months free Netflix daw dahil ngayong may corona virus.


        photo not mine

Nagbabala naman ang iilan na huwag magpaniwala sa kumakalat na link na ito at wag itong pipindutin dahil maaaring makuha ang atin personal information. Alam nating marami na ang bored at naghahanap ng pagkakaabalahan habang lockdown. Yung ibang gusto manood pero walang Netflix account, sila ang most likely na mahulog sa ganitong panloloko. Kaya mag iingat parin tayo. Sabihan ang mga kakilala tungkol dito. Kaninang umaga lang, may mga iilan na din akong natanggap na ganyang link pero hindi ko nalang pinapansin.
trending sa fb to kaninang umaga , dami ata nahack n account dahil naclick nila ung link. Naengganyo cguro cla lalo ung mga naghahanap ng mapaglilibangan n ang gusto movie marathon. Marami n nman magsisilabasan na scandal sa mga nahack ang fb.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
Quote
Coronavirus found in air samples up to 13 feet from patients

* WASHINGTON — A new study examining air samples from hospital wards with COVID-19 patients has found the virus can travel up to 13 feet (four meters) — twice the distance current guidelines say people should leave between themselves in public.

Airborne threat?

* The team also looked at so-called aerosol transmission — when the droplets of the virus are so fine they become suspended and remain airborne for several hours, unlike cough or sneeze droplets that fall to the ground within seconds.

* US health authorities have adopted a more cautious line and urged people to cover their faces when out in public in case the virus can be transmitted through normal breathing and speaking.


Good Day Everyone,

I would like to give everyone a warning that there is a new found research that COVID-19 is now becoming an airborne virus which can increase the transamission rate between people.

Well, this is very alarming because if the disease is mutating at kayang tumagal within few hours sa hangin, it would be very hard to control. This is becoming more dangerous and its getting even worse than ever.

This is for us to take the precautions seriously or else we will suffer from a draconian event in our life. Otherwise, there is a greater chance that we are all dead meat.

Imagine if our health workers will decline in numbers, chances are the infected will not be cured, the total lockdown will extend and eventually we'll go outside because we are running out of foods, medicines and other basic necessities in order to survive, thus increasing our chances to get infected.

For more information about the news: https://newsinfo.inquirer.net/1256916/coronavirus-found-in-air-samples-up-to-13-feet-from-patients?utm_medium=Social&utm_source=Facebook#Echobox=1586561749
copper member
Activity: 658
Merit: 402
I was looking for news about COVID-19 kaninang umaga at nabasa ko sa isang balita na ang virus ay kayang umabot hanggang 13 feet mag mula sa infected patient. Ang ipinapatupad natin ngayon na social distancing ay nasusukat lamang sa 2 meters, which is twice ng distancing guidelines natin ang kayang maabot ng virus.

Although magmula sa distance na ito, hindi naman daw infectious ang small quantities ng droplets mula sa infected person, mahirap pa rin makasiguro. Mas prone na dumikit ang virus sa mga bagay na madalas hinahawakan ng tak tulad ng computer mouse, trashcan, doorknob and more.

Source:
Code:
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/733563/coronavirus-found-in-air-samples-up-to-13-feet-from-patients/story/


Isa pang kumakalat ngayon sa social media, ang pag send ng link nasinasabing may 2 months free Netflix daw dahil ngayong may corona virus.


        photo not mine

Nagbabala naman ang iilan na huwag magpaniwala sa kumakalat na link na ito at wag itong pipindutin dahil maaaring makuha ang atin personal information. Alam nating marami na ang bored at naghahanap ng pagkakaabalahan habang lockdown. Yung ibang gusto manood pero walang Netflix account, sila ang most likely na mahulog sa ganitong panloloko. Kaya mag iingat parin tayo. Sabihan ang mga kakilala tungkol dito. Kaninang umaga lang, may mga iilan na din akong natanggap na ganyang link pero hindi ko nalang pinapansin.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
That's incident in Tacloban is different because the people were not looting for food. Ninanakaw nila lahat ng kanilang nakikita at sa tingin nila mapapakinabangan but scary as hell din ang tagpong yon. Resulta kasi yon sa bagal ng gobyerno sa pag-control sa isang lugar.
They were obviously also looting for food.

https://www.reuters.com/article/us-philippines-typhoon/desperate-philippine-typhoon-survivors-loot-dig-up-water-pipes-idUSBRE9A603Q20131113
https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/334750/looting-reported-in-tacloban-in-aftermath-of-yolanda/story/


Dito sa amin, ECQ din pero hindi ko pa naman nakikita ang mga tao na nagrereklamo dahil wala ng makain. Kung lahat ng sektor kung magtutulungan at hindi lang iasa lahat sa gobyerno, i think mas madali nating ma-contain itong virus na ito.
Yes, so far syempre kokonti palang talaga ang magrereklamo since may resources pa. The problem arises when kokonti nalang ang natirang resources. April 11 palang, April 30 pa ang end ng ECQ; and that's assuming na hindi pa ma-extend ulit. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 19 days knowing na anglaki pa man din ng population ng mahihirap.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
Sa budget na yan, hindi ba included yung PhilHealth diyan? Definitely, Malaki ang mababawas sa 172.37 billion and di natin sure kung nag-eexist pa yung pera na yan. The cut in the budget has a huge impact, makakapagprovide sana tayo ng mas maraming equipments for testing, additional quarantine rooms, medical supplies and such that will help to prevent the increasing amount of deaths here. Okay ng dumami ang cases, it means the government is tracing all of those PUI and PUM para hindi na mag-spread pa yung novel coronavirus, huwag lang dumami ang death cases sa ating bansa.
Here's a simple breakdown of the 2019 and 2020 approved budget for our healthcare:

2019's Php 165.92 billion approved budget (source):
  • DOH - 98.57 billion
  • Philhealth - 67.35 billion

2020's Php 172.37 billion approved budget:
  • DOH - 101.02 billion
  • Philhealth - 71.35 billion
As you can see, there was no budget cut in the total funds (both for DOH and Philhealth). There changes with the allocation of the funds within our healthcare sector but I don't think there's a need to discuss that in detail.

I've noticed na some of the PPEs and testing kits ay donation pa from the other countries.
~
Yup, any help we can get is needed. Donations must be one of the perks of being a third world country lol.
The good thing is that test kits made from UP has been approved by the FDA for commercial use. Some sectors have also agreed to manufacture PPE sets locally. Those are huge steps for us because we can't rely on donations and importations forever.

~
I doubt they underestimated the virus outbreak, as news arrived, all the people, particularly those in the medical profession, asked for an early travel ban because they knew the system's vulnerabilities and incapabilities.
One instance why I said they underestimated the virus - In Philippines, still no need to use face masks vs 2019-nCoV: DOH official

There was another where I read DOH claimed it's not airborne but later studies suggests it is.

~
While I definitely hope not, various cities going all-out looting à la battle royale is slowly but surely being possible. Remember what happened to Tacloban after Typhoon Haiyan? That, but potentially nationwide when the government runs out of funds. The idea in itself is scary as hell. I need a gun lol.
Yeah, nobody wants those kind of events from happening again. That's why I appreciate what the Government did in prioritizing the low-income households. Not even our armed forces can control them once they get hungry, go out on the streets, and start rioting.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
~
My conclusion to this tally, sobrang baba ng ating recovery rate unlike sa mga kalapit na bansa. IMO, hindi pwede na ito lang ang pagbasehan natin dahil mas maganda ang record na may inclusion ng rate of population at mga na-test para malaman natin ang pagkakaiba and also PUM & PUI sa bawat bansa. Tho, big amount of deaths in our country really shows na hindi masyadong handled ng DOH at di tayo ready sa mga situation na ganito. I think this is the effect ng pagbabawas ng funds para sa department of health which is obviously sobrang importante dahil sa panahon ngayon, anytime pwede na magkaroon ng mga panibago at iba't ibang sakit.
The "unpreparedness" was not the effect of a budget cut. The initial proposal for the 2020 budget was lower than that of 2019 but the approved budget was actually higher.
  • 2019 approved budget: Php 165.92 billion; 2020 Approved/Signed - Php 172.37 billion (source)
  • 2020 proposed budget - Php 166.5 billion (source)

I think there were major boosts/improvements in our healthcare system since this current administration took over but it's still not ready to take on a global pandemic like COVID-19
Sa budget na yan, hindi ba included yung PhilHealth diyan? Definitely, Malaki ang mababawas sa 172.37 billion and di natin sure kung nag-eexist pa yung pera na yan. The cut in the budget has a huge impact, makakapagprovide sana tayo ng mas maraming equipments for testing, additional quarantine rooms, medical supplies and such that will help to prevent the increasing amount of deaths here. Okay ng dumami ang cases, it means the government is tracing all of those PUI and PUM para hindi na mag-spread pa yung novel coronavirus, huwag lang dumami ang death cases sa ating bansa.

I've noticed na some of the PPEs and testing kits ay donation pa from the other countries.
Even the founder of Alibaba, Jack Ma, who donated a lot of testing kits.
We can also assume that our medical experts had underestimated this virus but, to be fair, almost every country did and many of them had a better healthcare system than us. With the increasing daily testing capacity, with more quarantine facilities being built and with more protective gears & medical equipment being bought/manufactured/donated, hopefully we can flatten the curve even further and lessen the number of casualties.  
I doubt they underestimated the virus outbreak, as news arrived, all the people, particularly those in the medical profession, asked for an early travel ban because they knew the system's vulnerabilities and incapabilities. We're lucky that we have a lot of quality hospitals like Makati Medical Center (MMC) that discharges many recovered COVID-19 patients so far. On the other hand, many frontliners died already due to a lack of PPEs and medical equipment.

Even though it's too late, I'm still hoping for positive outcomes and let's pray for all those people that act truly to recover as a coronavirus-free country. Also hoping na matapos na talaga para wala ng extension ng ECQ ang mangyari dahil sobrang daming apektado sa ECQ na na-implement.
Pages:
Jump to: