USA na ang nangunguna pagdating sa confirmed cases na may
101,321 na confirmed cases.
Pumapangalawa naman ang Italy na may
86,498 confirmed cases at ang China na may
81,340 confirmed cases.
Ang Pilipinas naman ay may
803 cases ngayon at posibleng tumaas ulit mamaya, 54 na ang namatay at 34 ang naka-recover.
Real-time na sources ko and nagu-update every minute or hour:
Let us be responsible sa mga shared posts natin at kung may nababasa man tayo, please verify muna sa mga authorized agencies (
https://www.covid19.gov.ph/fact-check/). The Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Disease (IATF-EID) lamang ang authorized to release such information.
Please help report these malicious posts that are meant to sow fear and derail the efforts of the Government para mapabilis ang paglaban sa COVID-19.
Hanggat walang law related sa mga fake news dito satin, madami pa ring magkakalat niyan.
Kaya hanggat maaari once may na basa kayo na parang hot news or any news, please do make fact-checking, search some related news at least 5 of them sa ibat ibang news outlet kase magiging isa kayo sa mga ways na nag kalat ng misinformation if naniniwala ka tapus share agad.
Hindi naman mahirap alamin kung fake news ba ang isang bagay o hindi, bukod sa IATF-EID, andyan rin naman ang mga news platform katulad ng GMA news, Inquirer, abscbn, DOH atbp na lehitimong nagpapahayang ng mga balita regarding COVID-19 dahil isang malaking kasiraan sa kanila if ever magkamali man sila ng kuha ng impormasyon. After natin makalikom ng information sa iba't ibang platform, pwede nating ipagkumpara kung alin nga ba ang tama at kung pareparehas ba.
Ang problema kasi sa ibang tao, makita lang na maayos ang pagkakagawa, pinaniniwalaan agad. Madali lang naman i-turn on notification ang mga news pages sa socmed platform, bakit kaya hindi magawa ng tao para updated at legit yung nababasa nila?