Kaya nga e. Nag aalangan din ako mag post dito, iilan lang tayong active dito sa local, gawa siguro ng yung iba hindi counted ang post dito sa Local or limited lang ang post na counted sa local board.
Anyway, kahit papano ay mag 10 games na per team sa NBA I guess pwede na natin sabihin na kung sino malalakas na team ngayon season. Katulad ng Cavs na wala pang talo, ganun din ang Suns at OKC na may tig isa lang. Sa Warriors naman duda ako, parang introboys lang sila. Pero kidding aside natalo nila Celtics yun nga lang hindi naglaro sa JB that time. Maganda sana kung kumpleto para walang alibi. Yung Sixer naman na sinabi ko na mag champ this year mukhang malabo na, pero kasi until now si Embiid di pa rin naglalaro.
Oo naiintindihan natin yun na may campaign talaga na hindi counted ang local post.
Buhay parin ang winning streak ng Cavs, akala ko matatapos na kanina dahil lamang ang Nets. Tapos naki pag wentuhan lang ako sa labas pag balik ko nanalo na ang Cavs 105-100, 17 points turn around sa 4th quarter.
Los Angeles Clippers vs Toronto ang last game for tonight, favorite ang Clippers at tataya ako sa kanila, -4.5 @1.70.
At patuloy pa rin ang pagiging dominante ng Cavs malinis pa rin 14-0 na may mga close games na akala mo eh matatalo na sila gaya nung sa Nets na tambak sila ng 7 points mga less than 5 minutes na lang ata pero hinabol at tinalo nila para madagdag sa winning streak nila, yung latest against chicago medyo palitan lang maganda lang yung simula nila kaya kahit naghabol ung Chicago nun first half na maintain naman nila yung lamang hanggang 4th quarter kaya hanggang ngayon eh maganda pa din ang kartada nila.