Nag umpisa ring payat si Giannis sa NBA, nagpalaki ng katawan pero nadala pa rin ang bilis.
Mga big man naman na nagpalaki ng katawan which is hindi naging successful ay sina, Davis at Porzingis, so ano sa tingin ninyo, hindi kaya maging prone to injury pag nagpalaki ng katawan si Chet Holmgren?
Parang iba kasi ang built ni Chet, combo ni Dirk at ni KD. Samantalang is Giannis naman ay talagang Greek Freak, kakaiba ang hubog na kahit lumaki ang katawan ganun parin, hindi nagbabago ang bilis. So sa tingin ko baka hindi naman gaano kalaki ang idagdag sa frame ni Chet, sakto lang siguro na hindi sya matulak tulak sa loob at mabilis parin pag galing sa labas at dahil may pukol sa tres. Maganda talaga eh ikuha sya ng isang trainer na focus lang sa kanya, strength and conditioning lalo na yung alam kung paano ma prevent ang injuries at hindi lang puro buhat ng weights o mag stay sa gym na pagkatagal tagal. Mga 10-15 lbs muna at tingnan kung ano epekto nito sa katawan nya.
Pansin ko nga sa mga highlights game niya, pag naka rebound siya na bola, siya na ang nagtatawid sa kabila, magaling rin kasi ang shooting outside. Tingin ko kailangan lang niyang i conserve ang energy niya, hindi na kailangan siya magtawid kasi pag na double na siya, medyo na raratle na rin.
Siguro for comparison, malapit siguro ito kay Durant kung maging superstar.