Panalo din ang wolves kasi mas makakapag concentrate na si KAT sa offense at pwede na niyang hayaan ang depensa sa ilalim kay Gobert. At kung mahila man sa labas si Gobert sa depensa, makakapag commit pa rin siya kasi ang sasalo ng ilalim si KAT na 7 footer pa rin. Kaya solid na solid depensa nila.
Maganda yan kung yan talaga ang mangyayari, mahirap kasing sabihan dahil baka hindi maganda ang chemistry nila, sayang lang dalawang big man sa loob pero hindi naman mautilize ng maayos ang talent nila. Basta ako kahit sa offence and defense maaasahan pa rin si Towns, si Gobert lang medyo pabigat sa offence, sana maging aggressive rin siya sa offence.
Palagay ko hindi na masyadong gamit yong tangkad ni Gobert pagdating sa play-offs kasi kadalasan ngayon sa NBA, small ball na karaniwang ginagamit kagaya ng Warriors kaya nga siguro binitawan na ng Jazz tong higanting Frenchman dahil sa rason na ito at magkakaroon pa sila ng space sa kanilang salary cap.