Tama ka sa sinabi mo na ito, hanggang ngayon ganun padin yung mga top earner sa mga MLM style nila lalo na kung binary system ang ginagamit nila na for sure ay hindi magtatagal ang Networking na kanilang pinopromote. Sila at sila parin ang palaging magiging mga top earner dahil sila yung mga nasa itaas.
At kapag narating na nila yung pinaka peak na lalim ng system ay gagawa na nanaman sila ng panibagong mlm na habang pumopsition sila sa bago ay patuloy paring nagrerecruit yung mga nasa ilalim nila sa old Mlm nila, in short parang mga palaka lang yang mga yan patalon-talon kaya nakakasawa na yung ganyang istilo.
Nakakaawa yung mga nasa ilalim pero talagang ang mga kababayan natin magpipilit para guminhawa kahit na yung harapan na silang niloloko aasa pa rin sila na magagawa nila yung nagawa nung mga nasa ibabaw na nakapangloko na, mabalik lang ako dyan sa mga networking na yan, kasi karamihan sa mga nasa ibabaw nyan papakitaan ka talaga ng magagarang sasakyan tapos yun ang gagamiting panghikayat na kaya mo rin yun magsipag ka lang.
Tama kabayan nakakasawa na yung ganyang istilo kaya sana lang yung ibang hindi naman talaga magaling sa ganyang setup dapat magsihanap na sila ng ibang ways para kumita at wag na silang magpaloko sayang pera at sayang oras.
Talagang kawawa sila kabayan, maishare ko lang ng konti, dati rin akong naging isa sa kumikita sa mlm before nagrerange yung profit ko monthly ng 30k-50k sa pesos. Naging motivational speaker pa nga ako sa office nila regular schedule ko dun ay once 1 week, kada salita ko ng 1-2hrs ay babayaran ako ng 1500 php. Tapos kapag merong walk-in na umatend sa seminar ko sa schedule time ko ay yung first 5 walk-in na magpapamember ay mapupunta under my group.
Saka talagang yung karamihan na mga networking management ay mga mapanlinlang, may pagkakataon pa nga kinausap ako ng management hindi ko nalang banggitin yung name ng mlm, sabi sa akin palabasin ko raw sa motivational session seminar na dati raw akong no read, no write tapos dahil sa networking umasenso ako at ipakita ko daw yung kotse ko ipapahiram nila sa akin na palabasin ko na yun ang naipundar ko, ang sabi ko hindi ko kaya ang ganyang panloloko sa tao, tama na yung magbigay lang ako ng encouragement but not sa gusto nilang mangyari. After a week na kinausap nila ako ay tinanggal nila ako sa weekly schedule ng session nila sa office.
Kaya after ng pangyayari na yun dun ko naisip na yung ibang mga speaker sa mlm maaring mga mapagpanggap lang na mayaman pero hindi naman talaga, sabihin na nating meron nga yung iba talaga na sasakyan pero may iba parin sa kanila na great pretender for sure kapalit ng pera.