Totoo at tama naman yang sinabi mo dude, kung meron mang mga tao na nagagawa nila ang easy money ay malamang ito yung mga taong magaling mambola, manghyped, dahil alam nilang madali silang makakakuha ng kita sa mga taong alam nilang uto-uto o madaling maniwala sa sasabihin nila. Itatake advantage nila yung pagiging speaker o motivational speaker nila, kumbaga paiiralin lang nila na kumita sila ng easy money gamit lang ang laway nila.
Kaya kung hindi babaguhin ng mga karamihang mga kababayan natin ang mindset na madaliang kita ay magpapatuloy lang ang pagiging biktima ng mga uto-utong tao. Pero kung babaguhin nila ang mindset na madaliang kita at gagawin nila ay magiging madiskarte na sila, gamit ang sipag at tiyaga at hindi umaasa sa iba. Paniguradong makakamit nila ang gusto nila sa buhay.
Yun ang kailangan hindi lang basta basta makikinig at susunod kundi mas malalim na pag aaral at dedikasyon sa pinapalano mong pasukang pagkakakitaan, masakit makarinig na para kang uto uto na sunod sunuran ka lang sa agos, ung tipong paulit ulit lang pero hind ka nagtatanda, dapat palagi kang alisto at dapat bago ka sumabak eh alam mo talaga yung posibilidad, sipag at tsyaga at samahan mo ng diskarte talagang mahirap kumita ng marangal pero hindi naman imposible basta maging masinop at talagang bibigyan mo ng oras na pag aralang maigi.
Hindi talaga lalo na sa standards ng trabaho dito sa pinas kung maalala mo yung sa Potato Corner na requirements pero minimum wage pa yon ah hahaha. Sabayan pa ng inflation rate halos trinatrabaho mo sakto lang sa pangkain parang nabubuhay ka nalang para mag survive. Pero hindi ibig sabihin non wala na tayong chance makaahon sa ganong sitwasyon, labas lang tayo comfort zone hanap mga iba pang opportunities tas dagdagan ng diskarte panigurado makakakita ka pa ng mas magandang money sources na legal. Kaya nga yung iba nandito sa industriyang ng crypto para humanap ng opportunities eh, laban lang talaga mahirap man ang buhay pero patuloy at patuloy tayong hahanap ng rason para magpatuloy.