Yung trabahong night shift ay sadyang nakakatakot din, dahil tulad ng nabanggit mo ay numero uno talagang maapektuhan ang kalusugan ng tao mismo, kumbaga, aanhin mo naman ang laki ng sahod kung sa huli naman ay bibigyan ka nito ng problemang pangkalusugan sa iyong sarili.
Mahirap maging nightshift kasi totoo na ang risk ay nasa health at hindi lang yan. Ang daming nabalita na mga galing sa nightshift tapos nagda-drive ng motorcycle at kotse at ang pinaka risk ay makatulog sila sa biyahe habang nagmamaneho at disgrasya ang kalalabasan. Hindi lang isa ang nakita kong ganyan, may iba pa kaya saludo sa mga bayaning puyat. Pero kung may choice ka naman na magkaroon ng hanapbuhay o trabaho na pang umaga, mas maganda yun. Kasi hindi masacrifice ang health mo lalo na yung tulog sa gabi, iba pa rin talaga. Kasi kahit itulog mo sa umaga at hapon, ibang iba at malayong malayo sa tulog natin kapag gabi.
yung bang oo nga sinasamantala mo habang malakas ka na kumita ng malaking sahod tapos kapag nanghina naman na yung katawan mo dahil sa trabaho na ginagawa mo ay sinisira mo naman ang iyong kalusugan para sa hinaharap, at yan ang katotohanan dyan sa totoo lang naman.
Kaya babalik pa rin tayo sa kasabi na "Health is wealth". Diyan na marerealize nong mga tao na malakas maghanap buhay pero hindi nila iniingatan ang sarili nila. Isa lang ang buhay natin at ang katawan natin ay hindi makina. Pero kahit ang makina nga ay napapagod at naluluma, ano pa kaya itong katawang lupa natin.
Oo marami kang mamimiss like gathering ng family at kung anong okasyon pa yan, pero kailangan mong magsacrifice kasi para rin yun sa future mo or kung may partner ka, para sa future niyo.
Karamihan naman sa mga ganitong trabaho ay hindi para sa sarili nila kundi para sa pamilya nila. Kaso nga lang, makikita mo yung mga kwento na galing ng nightshift tapos hindi na kinaya ng katawan nila. Iba pa rin talaga kapag yung sacrifice mo ay hindi lang dapat para sa pamilya mo kundi para rin sa sarili mo na hindi mo dapat pabayaan ang katawan mo. Okay lang yan malipasan mo mga family gatherings basta ang mahalaga lahat sila healthy at syempre pati rin ikaw.