Tama, dapat matuto tayong lahat ng tamang pamamaraan kung paano balansehin ang mga bagay bagay, Mahirap din kasi kung masyado tayong focus sa isang bagay, nakakalimutan na natin tignan yung other side at madalas hindi na tayo aware na mali na pala yung mga ginagawa natin, nasabi nga dito na kadalasan sa mga call center ay totoong malaki ang sahod pero prone sa sakit dahil night shift, minsan nasasabayan pa ng bisyo at hindi na luma yan dahil may mga iilan akong kakilala na nasa BPO company din, night shifters, tipong pagod at puyat then after ng shift, didiretso sa inuman at gimikan imbes na magpahinga or bumawi ng tulog, okay lang naman kung occassionaly, pero kung halos everydat na ginagawa, mag isip isip na habang maaga.
Ganyan kadalasan kasi karamihan sa mga nagiging agent eh yung kabataan na malakas ung pangangatawan pero dahil na rin sa sobrang pag abuso sa kalusugan nila eh napapahina din sila ng bisyo, hindi lang naman sa inom or yung mga nakakasama kasama na rin dyan yung kinakain at yung physical activities, madalas kasi after maupo ng mahabang oras lalamon tapos matutulog ng sobra sobra wala na silang nagagawang physical activities na sanhi din ng paghina ng katawan nila.
Well, at least alam mo kabayan na guilty ka hehehe, ganyan na ganyan din ang wife pero minsan lang naman, kaya lang kapag nalilibang kung ano-anong marites ang mga pinapanuod, though parang kinakarir din nya kasi ang pag reels nya hehehe.
Wala naman masama sa pag gamit ng social media basta tama lang ang pagtambay dito. Pero ang the good thing is narealized mo yung dapat mong gawin at iimprove pa ng husto para maging productive ka pa more in the future.
Oo naman kabayan, kung sa pagkakakitaan gagamitin magandang bagay yan para na rin sa ikauunlad ng buhay nyo, pero kung ang pag gamit ng social media eh yung para lang updates at para lang sa mga maritess eh sayang lang, dapat kung gagamit ka ng social media eh madiskarte ka, andami kasing opportunites na dapat samantalahin mo kung talagang gusto mong umunlad buhay mo.
Kaya lang wala ka naman magagawa eh, tayo kasing mga lalake kadalasan kung hindi pa lahat eh mga takuza hahaha... Pag gusto ni misis wala kang magagawa kasi lagi silang tama kaya hindi sila pwedeng kontrahin hahah.