Dapat talaga sigurista tayo pero meron namang mga risk taker na kayang gawin yan at hindi naman sila nagsisisi sa ginawa nila dahil mas naging okay pa yung naging desisyon nila kung tutuusin. Sa panahon kasi ngayon parang as long as may pagkakakitaan ka tapos hawak mo oras mo, parang yun na ang the best desisyon na puwede mong gawin. Sobrang stress ng panahon ngayon at parang pressured itong generation natin tungkol sa mga bagay bagay. Kaya basta marunong ka financially, may pinagkakakitaan ka, may mga munting business ka basta nakakasurvive araw araw parang ayos na din.
Hindi sa parang ayos na din, kundi ayos talaga kapag kahit papaano ay nakakakuha kana ng profit dito sa crypto business, Marahil ikaw talagang sigurista ka na uri ng community dito sa crypto space, at wala namang mali dun as long as na kaya mong kaharapin edi mas mabuti yun.
Pero kung alangan ka at hindi sigurado ay huwag pilitin, dapat dun lang tayo sa bagay na hindi tayo nagdududa dahil for sure meron tayong inaasahan ng magandang resulta sa huli, sa likas naman sa ating ang pagiging mapamaraan talaga bilang pinoy diba?
Oo, mapamaraan talaga tayong mga pinoy at madiskarte sa buhay kaya nga may ibang nagtake ng risk kahit hindi pa sigurado at meron din namang sigurista kaya hindi rin basta basta ang pag take ng risk na may iiwan kang stable na trabaho para sa crypto. Hindi naman sa kahusayan magtrade dahil mahirap magtrade pero tipong madiskarte lang at mapamaraan.
Dapat talaga sigurista tayo pero meron namang mga risk taker na kayang gawin yan at hindi naman sila nagsisisi sa ginawa nila dahil mas naging okay pa yung naging desisyon nila kung tutuusin. Sa panahon kasi ngayon parang as long as may pagkakakitaan ka tapos hawak mo oras mo, parang yun na ang the best desisyon na puwede mong gawin. Sobrang stress ng panahon ngayon at parang pressured itong generation natin tungkol sa mga bagay bagay. Kaya basta marunong ka financially, may pinagkakakitaan ka, may mga munting business ka basta nakakasurvive araw araw parang ayos na din.
Sa tingin maganda yung both, yung pagiging sigurista at syempre risk taker dahil sa pagtatake ng risk may malaking reward na possibleng makuha. Ako I consider myself a risk taker pagdating sa business at investment, yung tipong high risk high reward talaga pero based on my experience pagdating sa risk madalas talaga talo, pero di naman yun guaranteed yun at may chance talaga kaya dun ako kumakapit sa maliit na chance. May part din ako na sigurista lalo kapag dating sa business, iniiisip ko muna lahat ng possible na mangyare kung ano't ano man. Depende na lang din talaga sa tao kung ano yung itatake nya guaranteed win ba or may risk na kasama, nasa management lang lahat yan.
Basta calculated yung risk at meron kang ideya sa ginagawa mo, walang problema yun kahit na bago sayo. Kumpiyansa ka lang na magiging maganda yung resulta na kahit hindi mo alam ang kalalabasan. May mga ganitong sitwasyon na kahaharapin tayo sa buhay at parang iilang beses lang mangyari sa buhay natin, kung wala tayong gagawin at hindi tayo magtake ng risk, walang mangyayari.