Sa panahon natin ngayon na kung saan mas marami na ang remote job opportunities ay skills na talaga ang labanan at hindi na gaya noon na diploma na lang ang tiitingnan. Ngayon, ang mga international clients ay nakabase na lang sa skills at experience ng mga applicants at hindi na sa educational attainment at certificates nila kaya mas makagagaan talaga sa buhay lalo na kung long term pag mas marami tayong skills na inaral.
Mas advantage nga ngayon dahil marami tayong resources na mapagkukuhanan na kung saan karamihan ay libre lang. Maraming pages ang nagooffer ng free courses para makapag upskill pa tayo. Determinasyon at willingness to learn talaga ang magdadala sa atin sa financial freedom. Sa tindi ng kumpetenya ngayon, mas lamang ka kung mas marami kang skills dahil mas marami kang opportunities na pwedeng igrab. Sa simpleng panonood at pagaaral ay mkakapagupskill na tayo. Kailangan lang talagang maging masigasig at maging masikap lalo na at napaka convenient ng remote jobs para sa atin at di hamak na mas malaki ang pwedeng kitain.