Magandang araw sa inyong lahat dito, may nais sana akong ibahagi sa inyo kung paano magimprove ang ating financial life.
Business investment - Alam nio ba na ang pagbabasa ng mga motivational books tungkol sa negosyo ay malaki ang maitutulong nito kapag tayo ay mamumuhunan sa isang negosyo na nais nating gawin, gaya ng mga aklat ni Robert kiyosaki, Rick warren at iba pa. Bukod dyan kung magiinvest ka sa mutual fund at kapag maayos ang performance ng market ay pwedeng tumubo ang capital mo ng 10% sa loob ng isang taon.
Pwede rin naman sa real estate dahil ang value ng lupa habang lumilipas ang araw ay tumataas ang value nito. At pwede rin naman tayo pumasok sa marketing online at papasok naman dito ang Bitcoin o cryptocurrency. Pero dapat meron tayong kaalaman dito para wala tayong sisisihing tao sa huli. Basta ang kailangan lang ay maging matalino sa pagpili ng coins at hindi pwedeng wala tayong idea o kaalaman dito.
Alam natin na okay ang negosyo pero karamihang mga tao parin ngayon sa bansa natin ay mas pinipili parin ang trabaho o pagiging empleyado. Yun ay dahil takot ang karamihan na mawalan ng regular income. At merong tayong ugali na takot mapagtawanan kapag nalugi yung negosyo na ginawa natin. Dahil nga naman sa pagiging empleyado kahit hindi ka magaling may siguradong sahod o kita ka kada 15/30 ng bawat buwan. Pero sa business ay nakadepende ang ating kita kung gaano tayo kasipag o katiyagang gawin ito. Kaya sa panahon natin ngayon ay madaming online business ang pwedeng gawing parti-time para makakuha ng kita. Kaya kung nagpaplano kang magnegosyo ay simulan muna ngayon.
Pahalagahan ang oras - Kung naiintindihan natin ang bagay na ito, dapat magkaroon tayo ng pagbabago sa habit natin. Dahil for sure makakatulong ito sa ating pinansyal sa buhay. May kasabihan nga ang mga Poor na tao ay they value stuff habang ang Mayaman na tao ay they value Time. Kung mapapansin ninyo ang mga mayayaman na tao ay nakatuon ang kanilang pokus sa mga high value activities, business meeting at pagbabasa ng aklat.
Kaya kung empleyado ka ngayon at gusto mong magpart-time yung oras na bakante o day-off mo ito ang gamitin mong oras, gaya nalang kung nais mong alamin ang Bitcoin o cryptocurrency gamitin mo ang oras na ito para aralin kung pano ba kumikita dito or pano ba tayoa nito matutulungan. Pwede rin yung oras na nagcocomute ka habang nasa byahe ka gamitin mo itong pagkakataon para magaral sa bitcoin o crypto, para habang naghihintay ka halimbawa sa loob ng Lrt, bus ay makikita mo na yung oras ay pinahahalagahan mo. Kung kaya simulan mo ng imaximize yung spare time mo ngayon. Dahil pag ginawa mo ito nagiging productive ang bawat araw mo.
Skills development - Dito naman ay kailangan nating ipokus na iimprove ang ating mga sariling kakayanan na meron tayo. Kaya para magawa natin ito ay keep on learning, keep on growing at keep on developing your skills. Actually, itong pagsasagawa ng Bitcoin o cryptocurrency ay isang skills para sa akin kapag naintindihan mo talaga basta never stop o don't quit on learning. Dahil the more na madami tayong nalalaman o nadidiskubre ay madami tayong magagawa for sure sa huli.
Live with Passion - Ito naman yung kung nais mong maging successful ka dapat lagi kang masaya sa ginagawa mo. Naalala ko tuloy nung ako ay dating empleyado ay sumasahod nga ako at merong trabaho pero hindi naman ako masaya, dahil tinitiis ko lang sapagkat kung hindi ko gagawin magugutom ganun ako noon. Kumbaga sayang naman yung oras na ginugugol ko sa trabaho or kahit sa negosyo narin kung hindi naman ako masaya ay balewala. Kaya mahalaga na mahanap mo yung passion mo talaga.
Kaya nga ngayon na nandito ako sa bitcoin o crypto industry masasabi ko na masaya ako na nandito ako at natukasan ko ito at napatunayan ko naman din na nakakatulong talaga ito, though madami naman pang iba na partime income bukod pero dito ako masaya sa ginagawa ko.
So yun lang at sana nakatulong itong ginawa ko na paksa....
Magandang araw sa lahat
Tama lahat ng sinabi ni OP kelangan talaga ang mga ito upang umasenso tayo pero meron lang akong gustong idagdag dito, ito ay according lang sa aking nakikita at naexperience, gusto ko lang din makita if agree kayo sa aking idadagdag
Manage ang expenses - madalas nating sabihin na magbasa, matuto ng bagong skills, at magnegosyo, pero nando na tayo at halimabawa may negosyo na , isa sa naexperience ko, pinsan ko siya, pinahiram namin siya ng pera, kaibigan pinsan, nagshare kami para makapagstart siya, malakas ang negosyo, pero ang lakas niyang gumastos na lampas na sa kita niya kasama pati sa puhunan dala, kasama din dito ang bisyo, sabi nga nila wagkang gumastos ng higit sa kinikita mo kung maari half or mas maliit pa, bakit ko iyon nasabi,
sa mga nagbbusiness kasi ang iniisip nila ay kumikita na ako deserve ko ito, pero hindi nila alam nahhurt nila ang business nila bakit?
kasi akala mo pagnagbusiness ka deretso malakas , sa business kasi may peak season minsan naman mahina, dapat ready ka,
Kung sa crypto ka naman, dapat talaga wag ka sobrang magastos bakit? kasi satin may bear market, so kung meron man ako importanting masasabi ay , Expenses, Vices iwasan mo yan kasi yan talaga ang hihila pababa, kapag nasadlak ka.