Oo, tama ka yung lakas ng loob ang umiral sa akin dyan nung mga panahon na yan, alisin mo lang yung swerte dahil hindi madali yung pinagdaanan ko nung mga panahon na yan, as in from the scratch talaga ang kinaharap ko nyan. Kung iisipin ko nga parang masasabi ko nalang bigla na nakayanan ko, samantalang nung mga panahon na yun halos gusto ko ng sumuko din dahil nahihiya narin ako sa tinutuluyan ko.
Pero naging mabait parin talaga ang Dios sa akin dahil pinalakas nya pa lalo yung loob ko, at talagang ginamit nya din yung pamilya na tumanggap sa akin to be honest. Kaya naman ngayon kapag may biyaya at may nakukuha akong maganda-gandang profit dito sa crypto ay inaabutan ko yung tinuring kung second parents ko din.
Tama yan kabayan wag kang makalimot para tuloy tuloy lang din ang blessings, swerte mo dun sa mga taong naniwala at sumuporta sayo kasi talagang nung mga panahon na yun eh bihira lang ang makakaunawa at madalas na talagang maririnig mo eh "tigilan mo yan, scam yan" buti na lang talaga malakas loob mo at may sumuporta dun sa intensyon mo kaya kahit papano nagpatuloy ka at sa malamang eh guminhawa din ang buhay mo.