Pages:
Author

Topic: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal - page 9. (Read 1419 times)

legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
June 03, 2023, 06:40:37 PM
#9
Tama ang mga sinabe mo kabayan, Siguro isa talaga sa simula naten ang pagiging empleyado dahil marami saaten kakagraduate pa lang/or hindi nakapagtapos then maghahanap ng trabaho which is okey naman talagang simula, pero hindi nga lang siya financial stable dahil mababa talaga ang sahod kumpara sa trabaho na pinapatawa.

Sang-ayon ako, ang paghahanap ng trabaho ay isang hakbang para magkaroon tayo ng steady source of income, then from that pwede tayong maghanap ng posibleng extra income para dagdagan ito.  It is either maginvest sa mga stocks at cryptocurrency like Bitcoin, o di kaya ay magtayo ng maliit negosyo na hindi gaanong need ng malaking oras para ioperate.  From there pwede nating pag-aralan ang mga pamamaraan para paunlarin ang ating negosyo. 

Habang lumalaki ang ating negosyo, posible na rin sigurong magtransition tayo from being an employee to business owner.  From that nakakatulong pa tyo sa mga fresh grads dahil sa pagbakante natin ng posisyon, may isang walang trabaho ang magkakaroon ng trabaho.

Sa tingin ko nga dapat ganito ang practice ng bawat tao, ang pinaka end line ay ang pagkakaroon ng sariling negosyo.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
June 03, 2023, 04:55:43 PM
#8
Tama lahat ng sinabi mo, may isa pa at yun yung mamuhay lang ng naaayon sa kinikita mo. Dahil related naman ito sa financial, marami tayong kababayan na makatanggap lang ng medyo malaking halaga, ang iniisip agad ay kung ano bibilhin nila gamit yung pera na yun. Imbes na itabi muna o di kaya maghanap ng investment ay iniisip nila agad paano yun lustayin. Walang problema kung may mga investment at assets na sila pero kasi karamihan sa nakikita ko ay yung tipong isang kahig, isang tuka. Mahirap naman turuan kasi sasabihin nagmamagaling ka. Kaya sana mas marami pang mga kababayan natin ang maging financial literate para mas gumanda ang buhay ng karamihan sa atin.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
June 03, 2023, 11:51:19 AM
#7
A must ang pagiging disiplinado sa lahat ng bagay, personal life, work like, business life, lahat. Plan ahead of time, maging selected sa circle of friends dahil nakaka affect din yan kung gusto nating umunlad financially. Pag may disiplina sa pag kuha at mag aral ng ibat ibang skills set, disiplina sa pag manage ng time, at disiplina sa pag manage at operate ng business — dapat consistent, sure, ma a-achive natin ang pagiging financially independent.
 Kase kahit na nagawa mo nga mag karoon ng maraming skills, may business ka na, if di consistent(dapat grind lang ng grind) at nawawalan na ng disiplina , mababaliwala talaga ang mga pinaghirapan natin.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
June 03, 2023, 11:42:35 AM
#6
Salamat sa magagandang paalala at gabay sa mga nabanggit mo dito op, Halos lahat ay may punto at tama ka naman.
Pero meron lang akong nais na sabihin din tungkol sa live with passion, may mga tao kasi na kahit hindi ganun ka stable ang kanilang
estado sa buhay pinansyal masaya naman sila sa kanilang kalagayan. Dahil ang kasiyahan naman ay walang pinipiling lugar o anu pa man.
Na sa madaling sabi merong mga tao na kuntento na sa simpleng buhay. Saka hindi rin naman lahat ng tao ay gustong yumaman, dahil karamihan ay hindi naman gumagawa ng paraan para sila yumaman.
full member
Activity: 406
Merit: 109
June 03, 2023, 10:53:20 AM
#5
Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Mahalaga talaga ang oras. Kung gusto mo talagang umasenso, dapat ay alam natin paano pahalagahan ang oras. Kadalasan kasi, marami tayong nasasayang na oras dahil tinatamad tayo or kung ano lang dahilan. Yung oras na nasasayang natin, pwede sana natin syang magamit para maging productive  tayo na makakatulong din sa atin. Yung skills naman, kailangan talaga sya para may maioffer tayo. Kung ngayon sa tingin mo ay wala o kulang ka sa skills, napag-aaralan naman yun at makakatulong iyon para tayo ay mag grow.

Salamat sa mga naibahagi mo op. Kahit papaano, ang post na ito ay nakakapagpaalala sa atin sa mga bagay na to na minsan ay nakakalimutan natin. Malaking bagay ang mga nandito kung ano ang ating dapat gawin para umunlad at makaahon.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
June 03, 2023, 10:44:57 AM
#4
Tama ang mga sinabe mo kabayan, Siguro isa talaga sa simula naten ang pagiging empleyado dahil marami saaten kakagraduate pa lang/or hindi nakapagtapos then maghahanap ng trabaho which is okey naman talagang simula, pero hindi nga lang siya financial stable dahil mababa talaga ang sahod kumpara sa trabaho na pinapatawa.

Sa akin ay ang pinakaplano talaga ay makapaginvest ako ng passive income na apartment dahil magandang passive income siya kahit natutulog ka ay mayroon kang kikitain buwan buwan pero hindi naman yun ganun kadale dahil mahal ang pagpapatayo o pagbili ng apartment. Isa din sa goal ko ang developement ng skills ko dahil pagmasqualified ka sa trabaho ay masmataas ang sahod mo, maganda ang nakuha kung trabaho kahit hindi kalakihan ang sahod ay nakakapagparttime ako at hindi masyadong pagod. Kapag nakapagipon ay magandang maginvest sa business or passive incomes.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
June 03, 2023, 09:20:01 AM
#3
Meron kang binanggit ng Keep on learning, keep on growing at develop your skills. Itong tatlo na ito sa aking opinyon ay malaki ang maiaambag nito sa financial management na tinatawag, dahil habang isinasagawa natin ang pagsasanay na ito ay inaalam natin inaaplay paunti-unti yung mga bagay na dapat nating gawin para naman tayo ay umusad sa buhay kahit sa ating future. Saka halos lahat naman din ng mga nagtagumpay sa pinansyal ay merong mga negosyo talaga.

At kokonti lang ata ang nakita kung mga empleyado na maunlad ang buhay at ito yung mga President o Ceo, vice president ng kumpanya, mga head department at executive at mga managerials lang ang masasabi ko na magaganda ang estado ng kanilang pinansyal sa buhay. Pero sa mga ordinaryong tao kailangan talaga ipagpatuloy ang pag-aaral, at patuloy na paglago para mapraktis ang skills na meron tayo. At para sa akin ang Bitcoin at ibang mga cryptocurrency ang pwedeng maging daan para marating ko ang tamang pag gamit ng financial management.
hero member
Activity: 1918
Merit: 564
June 03, 2023, 09:14:44 AM
#2
Halos magkakaugnay ang mga pointers na sinabi mo @OP, sa isang investment need natin magukol ng oras para pag-aralan ang negosyo na nais nating tahakin.  Syempre need nating pag-aralan ang mga bagay bagay na may kinalaman dito.  Mas maganda kung makakaacquire tayo ng skills at kaalaman na makakatulong sa pagpapaunlad ng pinasok nating negosyo or investment.  Wala dapat tayong sayanging oras sa pagpapaunlad ng ating negosyo kung gusto nating maging successful dito.  At higit sa lahat ang isa sa pinaka may malaking epekto sa negosyo ng tao ay ang kanyang passion upang tuparin ang kanyang mga pangarap.  Ito ang nagisislbeng gasolina sa nag-aalab nating hangarin para patuloy tayong magpursige hanggang matupad natin ang ating inaasam.
hero member
Activity: 1904
Merit: 541
June 03, 2023, 01:20:09 AM
#1
Magandang araw sa inyong lahat dito, may nais sana akong ibahagi sa inyo kung paano magimprove ang ating financial life.

Business investment - Alam nio ba na ang pagbabasa ng mga motivational books tungkol sa negosyo ay malaki ang maitutulong nito kapag tayo ay mamumuhunan sa isang negosyo na nais nating gawin, gaya ng mga aklat ni Robert kiyosaki, Rick warren at iba pa. Bukod dyan kung magiinvest ka sa mutual fund at kapag maayos ang performance ng market ay pwedeng tumubo ang capital mo ng 10% sa loob ng isang taon.

Pwede rin naman sa real estate dahil ang value ng lupa habang lumilipas ang araw ay tumataas ang value nito. At pwede rin naman tayo pumasok sa marketing online at papasok naman dito ang Bitcoin o cryptocurrency. Pero dapat meron tayong kaalaman dito para wala tayong sisisihing tao sa huli. Basta ang kailangan lang ay maging matalino sa pagpili ng coins at hindi pwedeng wala tayong idea o kaalaman dito.

Alam natin na okay ang negosyo pero karamihang mga tao parin ngayon sa bansa natin ay mas pinipili parin ang trabaho o pagiging empleyado. Yun ay dahil takot ang karamihan na mawalan ng regular income. At merong tayong ugali na takot mapagtawanan kapag nalugi yung negosyo na ginawa natin. Dahil nga naman sa pagiging empleyado kahit hindi ka magaling may siguradong sahod o kita ka kada 15/30 ng bawat buwan. Pero sa business ay nakadepende ang ating kita kung gaano tayo kasipag o katiyagang gawin ito. Kaya sa panahon natin ngayon ay madaming online business ang pwedeng gawing parti-time para makakuha ng kita. Kaya kung nagpaplano kang magnegosyo ay simulan muna ngayon.

Pahalagahan ang oras - Kung naiintindihan natin ang bagay na ito, dapat magkaroon tayo ng pagbabago sa habit natin. Dahil for sure makakatulong ito sa ating pinansyal sa buhay. May kasabihan nga ang mga Poor na tao ay they value stuff habang ang Mayaman na tao ay they value Time. Kung mapapansin ninyo ang mga mayayaman na tao ay nakatuon ang kanilang pokus sa mga high value activities, business meeting at pagbabasa ng aklat.

Kaya kung empleyado ka ngayon at gusto mong magpart-time yung oras na bakante o day-off mo ito ang gamitin mong oras, gaya nalang kung nais mong alamin ang Bitcoin o cryptocurrency gamitin mo ang oras na ito para aralin kung pano ba kumikita dito or pano ba tayoa nito matutulungan. Pwede rin yung oras na nagcocomute ka habang nasa byahe ka gamitin mo itong pagkakataon para magaral sa bitcoin o crypto, para habang naghihintay ka halimbawa sa loob ng Lrt, bus ay makikita mo na yung oras ay pinahahalagahan mo. Kung kaya simulan mo ng imaximize yung spare time mo ngayon. Dahil pag ginawa mo ito nagiging productive ang bawat araw mo.

Skills development - Dito naman ay kailangan nating ipokus na iimprove ang ating mga sariling kakayanan na meron tayo. Kaya para magawa natin ito ay keep on learning, keep on growing at keep on developing your skills. Actually, itong pagsasagawa ng Bitcoin o cryptocurrency ay isang skills para sa akin kapag naintindihan mo talaga basta never stop o don't quit on learning. Dahil the more na madami tayong nalalaman o nadidiskubre ay madami tayong magagawa for sure sa huli.

Live with Passion - Ito naman yung kung nais mong maging successful ka dapat lagi kang masaya sa ginagawa mo. Naalala ko tuloy nung ako ay dating empleyado ay sumasahod nga ako at merong trabaho pero hindi naman ako masaya, dahil tinitiis ko lang sapagkat kung hindi ko gagawin magugutom ganun ako noon. Kumbaga sayang naman yung oras na ginugugol ko sa trabaho or kahit sa negosyo narin kung hindi naman ako masaya ay balewala. Kaya mahalaga na mahanap mo yung passion mo talaga.

Kaya nga ngayon na nandito ako sa bitcoin o crypto industry masasabi ko na masaya ako na nandito ako at natukasan ko ito at napatunayan ko naman din na nakakatulong talaga ito, though madami naman pang iba na partime income bukod pero dito ako masaya sa ginagawa ko.

So yun lang at sana nakatulong itong ginawa ko na paksa....
Magandang araw sa lahat Wink
Pages:
Jump to: